Monday, August 20, 2012

Rebolusyon ng mga Salita




"Oh my Gosh. It's so mainit today. I'll make paypay my face nalang because I don't have a fan eh."

Hindi lingid saating kaalaman na nagagawi na ang mga Pilipino sa pagsambit ng mga ganitong mga kataga, mas kilala ito sa terminong 'Conyo'. Ito ang pagbigkas ng mga salita sa mga lingwaheng English at Filipino sa isang pangungusap.

Noon pa ma'y ang mga Pilipino ay madali nang kumupkop ng lingwahe ng ibang bansa kalakip na rito ang pagaya sa  'accent' ng linggwahe. Kumakailan lang, nauuso na ang pagsalita ng ganito, dati nakakatuwa pa itong pakinggan kaso paminsan nakakairita na rin.

Noong isang araw, nagtrending sa social networking site na Twitter ang #HappyConyoDay. Wala naming mali dito, nakakalungkot lang na naitaon ang selebrasyon nito sa Buwan ng Wika. Hindi ba naisip ng karamihan na isa itong malaking insulto sa ating pambansang wika?

Wala namang masama sa pagsasalita ng ganito, pero hindi ba't mas maayos kung sinasabi natin ang nais nating sabihin sa iisang wika lamang? Upang maging mas konkreto ang ibig nating sabihin?

Hindi rin ako sanay na diretsong magtagalog pero sinubukan ko upang matulungan rin akong lumawak ang bokabyulayo ko. Wala akong galit o sama ng loob sa mga nagsasalita ng ganito, kasi paminsan ito na rin ang nakagawian nila.

Sigurado akong konti lang ang nakakaalam ng tagalong ng ‘nosebleed’, nababatid kong konti lang rin ang may alam ng tagalong ng ‘toothpaste’. Marahil ito ang ilan sa mga eksepsyon sa paggamit ng mga salitang ingles sa mga pangungusap, kapag ito’y hindi na maipaliwanag o maisalin sa Tagalog.  

Bakit hindi natin subukang magsalita ng diretsong Tagalog at diretsong Ingles upang maging kapuri-puri naman tayo sa mga ninuno natin. Upang maging sila’y matuwa dahil itinaguyod natin ang lingwaheng pinaghirapan nilang buohin.

PS. Sa mga nagtataka kung ano ang tagalog ng NOSEBLEED, "balinguyngoy" po ang termino nito sa tagalog.
PSS. Hindi ko alam ang tagalog ng toothpaste. haha

PSS. At bilang pagpugay sa Buwan ng Wika ngayong Agosto, ako'y maghahayag ng mga tulang aking nagawa. Tungkol to sa kahit na anong paksa na aking maibigan. Kung gusto ninyo ay ibahagi niyo rin saakin ang gusto niyong makitang paksa. Salamat!

Magandang umaga. 

No comments:

Post a Comment